Sagupaang Russel at Richard aabangan
- Published on September 17, 2020
- by @peoplesbalita
ISA sa inaantabayanan ng mga professional basketball fan kapag nagbalik na ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations ang pagtatapat ng magkapatid na Escoto.
Sila ay sina veteran Russel na nasa five-time defending champion San Miguel Beer ang mas bata na si Blackwater Bossing rookie Richard.
Maaaring maganap na ang matagal na hinihintay ng fans sa pagbabalik aksyon ng propesyona na liga sa git na ng Oktubre.
“First time kong makakalaban ang kuya ko sa buong buhay ko ‘pag bumalik na ang PBA,” pahayag ng newcomer para kay Russel.
Pero hindi ikinubli ng former FEU Tamaraw na binibigyan siya ng advice ng kanyang kuya sa kanyang nalalapit na pagsalang sa unang Asia play-for-pay hoop. (REC)