• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa planong ipakulong si VP Sara, mga kaalyado nito:  ‘Wild imagination lang- Malakanyang

BINASURA ng Malakanyang ang itinuturing nitong “wild imagination” ni Vice-President Sara Duterte na plano ng administrasyong Marcos na ipakulong siya at kanyang mga kaalyado bago pa ang 2028 presidential race.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na walang dapat ipag-alala si VP Sara at kanyang mga political allies, kabilang na rito si Senator Imee Marcos na may ganitong plano.
“They are just creations of fertile and wild imagination,” ang sinabi ni Castro.
Sa ulat, ipipilit umano ng administrasyong Marcos na italaga si Department of Justice Secretary Boying Remulla bilang Ombudsman upang maipakulong si VP Sara at ang mga kaalyado nito.
Ito ang iginiit ni Presidential Sister Imee Marcos na kilalang kaalyado ng pamilya Duterte.
Ayon kay Imee Marcos, malinaw ang hakbang laban kay VP Sara dahil sa sunod-sunod na plano umano upang alisin ito sa landas ng 2028 presidential race.
Dagdag pa ng senadora, dalawang kaso pa ang nakabinbin laban kay Remulla sa kasalukuyan sa Ombudsman, administrative at criminal cases, ngunit tila pinipilit umanong maibasura ang mga ito upang bigyang daan ang kanyang appointment.
Malinaw umano ang mga galaw para mapabilis ang proseso, kabilang ang biglaang pagpapalit kay Deputy OIC Ombudsman Ma. Flor Punzalan-Castillo na aniya’y kilalang “walang bahid” at independent-minded.
Dahil dito sinabi ni Marcos na tututulan nya ang planong pagtatalaga kay Remulla sa Ombudsman kung saan maghahain siya ng oppostion sa judical and bar council.
Hind aniya dapat na politiko ang maitalaga sa Ombudsman dahil may conflict of interest bukod pa sa mayroon itong dalawang nakabinbing kaso. ( Daris Jose)