Sa pagpirma ng 9-picture sa Viva Films: ANNE, pangarap na makatrabaho ni Direk PHIL sa isang horror film
- Published on October 22, 2022
- by @peoplesbalita
PUMIRMA ng 9-picture sa Viva si Phil Giordano, ang director ng Vivamax movie na “Pabuya” na pinagbibidahan ni Diego Loyzaga.***
MAHIGIT 200 na aspirants ang nag-audition para maging bagong frontman ng Lily pero ang maswerte napili ay si Joshua Bulot.
Edgy ang kanyang dating kaya siguro nagustuhan siya ng remaining members ng Lily.
Ipinakilala si Joshua bilang new vocalist ng banda kasabay ng relaunching ng group as Lily after umalis ang dati nilang frontman na si Kean Cipriano na bitbit ang pangalang Callalily.
Ang mga dating band members na sina Lem Belaro, Aaron Ricafrente, Alden Acosta at Nathan ay itinuloy pa rin ang Lily and via an audition sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas ay sinubukan makahanap ng bagong frontman at si Joshua ang final choice nila.
Hindi naman baguhan sa mundo ng musika si Joshua dahil noong college days niya sa San Beda ay sumali siya sa glee club para sundin ang kanyang hilig sa pagkanta.
Sumali rin siya sa Pop trio na J.B.K. na nakapaglabas ng ilang single at nag-audition din sa XFactor UK noong 2017. Sila ang unang Pinoy band who auditioned and performed before Simon Cowell and other judges.
As part of Lily, magkakaroon si Joshua at kanyang mga kasama ng unang self-titled concert nila na gaganapin sa Music Museum sa December 2.
Ayon sa band members naka-move on na sila sa anumang nangyari sa kanila at sa dati nilang kasama na si Kean.
Sabi ni Loie Magan, Chief Executive Officer ng LX2 Entertainment’s na producer ng concert ng Lily, matagal na raw hinihintay ng grupo na muling mag-perform onstage. At tulad ng Lily, excited din ang LX2 Entertainment na iprodyus ang banda ng concert.
(RICKY CALDERON)