Sa pagdiriwang ng Oral Health Month, 664 Malabueños nakatanggap ng libreng dental services
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
SA pagdiriwang ng Oral Health Month ngayong Pebrero, nag-alok ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng libreng dental services, kabilang ang mga konsultasyon at pagbunot ng ngipin sa 664 na residente.
Ang inisyatiba na inorganisa ng City Health Department (CHD), ay ginaganap tuwing Martes at Huwebes bilang bahagi ng Espesyal na Dental Mission, at sa mga katapusan ng linggo bilang bahagi ng patuloy na medikal na misyon ng lungsod.
Binigyang-diin ni Mayor Jeannie Sandoval ang kahalagahan ng pagpapanatili ng oral health na binanggit na ang malusog na ngipin ay hindi lamang mahalaga para sa wastong nutrisyon ngunit nakakatulong din sa tiwala at pangkalahatang kagalingan ng isang tao.
“Napakalahalaga na mapangalagaan din ng bawat Malabueno ang kanilang mga ngipin. Maliban sa ito ay kailangan upang tayo ay makakain ng maayos, ay nakakadagdag pa ito sa ganda ng mga ngiti ng bawat isa. Kapag ito ay maayos, maipapapakita natin ang ating kasiyahan ng hindi nahihiya o natatakot,” ani Mayor Sandoval.
Ipinaliwanag ni Dr. Bernadette Bordador, Officer-in-Charge ng CHD, na ang programa ay kinabibilangan ng mga dental professional na nagbibiyahe sa iba’t ibang barangay bilang bahagi ng mga medical mission ng lungsod. Ang kahalagahan aniya ng wastong kalinisan sa bibig, at mabuting kalusugan ng ngipin ay mahalaga hindi lamang para sa isang kaakit-akit na ngiti, ngunit para sa pangkalahatang nutrisyon at kalinisan din.
Ang libreng dental mission ay magpapatuloy hanggang Marso, at iaanunsyo ang mga iskedyul nito
Sa ating pagsisikap na mapabuti ang kalusugan ng ating kapwa Malabueño, isinasagawa po natin ang mga aktibidad na ito. Kung gaano kahalaga ang maayos na pangangatawan, ganoon din kahalaga ang pangangalaga ng ating mga ngipin. Lumapit lamang po sa ating pamahalaang lungsod at abangan ang mga susunod na aktibidad kung kinakailangan ng serbisyong pangkalusugan,” sabi ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)