Sa pag-reign sa charts mula 2000 hanggang 2024: TAYLOR SWIFT, tinanghal na Top Artist of the 21st Century ng Billboard
- Published on January 13, 2025
- by Peoples Balita
BIHIRA na sa panahon ngayon ang tulad ng Sparkle artist na si Allen Ansay.
‘Di raw niya idadaan sa mabilisan ang ka-loveteam na si Sofia Pablo para maging girlfriend niya kahit na 18 years old na ito.
“Kung hanggang kelan puwede, maghihintay po ako. Kung sasabihin na niyang puwede na, game po ako,” sey ni Allen.
Sa tanong na baka mapagod ito sa paghintay kay Sofia at maghanap ito ng iba, sagot ni Allen ay sure na raw siya sa kanyang ka-loveteam.
“Siyempre po, 100%, siya lang. Gusto ko po yung traditional way sa pagligaw. Yung pupuntahan po yung babae sa bahay at magdadala ka ng bulaklak. Yun ang natutunan ko sa probinsya namin.”
Thankful si Sofia sa genuine care na pinapadama ni Allen sa kanya kahit na wala pa silang relasyon.
“Masaya and masarap talaga sa pakiramdam at sa puso na may taong nandiyan para alagaan ka. Alam mo na may taong nandiyan lagi para makinig sa ‘yo, suportahan ka. Thankful ako na sobrang genuine ng care niya, pati sa Mommy ko.“
Sa January 13 na ang world premiere ng Prinsesa Ng City Jail sa GMA Afternoon Prime na mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.
Kasama rin sa cast sina Beauty Gonzalez, Keempee de Leon, Dominic Ochoa, Denise Laurel, Lauren King, Pauline Mendoza, Radson Flores, Ina Feleo, Ayen Munji-Laurel at Will Ashley.
***
SI Direk Jerry Lopez Sineneng pala ang nag-takeover sa pagdirek ng ‘Widows’ War’ dahil naging masyadong busy si Direk Zig Dulay.
Nang tanungin namin kung sino ba ang mastermind sa mga patayan sa serye, tumawa lang ito at sinabing hindi rin daw niya alam.
“Kahit ako, clueless sa kung sino talaga yung Palacios killer. Basta tutukan lang nila and make your own conclusions. Yun ang nakaka-excite sa show dahil hula ka lang nang hula,” tawa pa niya.
Mag-world premiere na sa, today, January 13 sa GMA Afternoon Prime ang bagong teleserye ni Direk Jerry na ‘Prinsesa Ng City Jail’ na bida si Sofia Pablo.
Inamin ni direk na dumaan sila sa maraming aberya noong nagte-taping sila last year.
“Mostly ay yung unpredictable weather ang dahilan. We started taping sa city jail noong summer na kasagsagan ng El Niño. Grabe ang init talaga and we have to stop taping for a while dahil doon. Noong matapos ang init, sunud-sunod na bagyo naman ang dumating. But we try to make the most out of the situation. Dinadaan na lang namin sa tawa ang lahat.”
Ang ikinatuwa ni Direk Jerry ay wala raw siyang narinig na reklamo sa kanyang mga artista.
“They are all very professional. Kahit saksakan ng init at maulan, no complaints. Lalo na from Sofia. Never siyang nagreklamo and she’s always prepared. Kaya ang suwerte ko sa mga artista dito kasi walang nag-attitude.”
***
SI Taylor Swift ang tinanghal na Top Artist of the 21st Century ng Billboard dahil sa pag-reign nito sa Billboard 200 albums at Billboard Hot 100 songs chart mula sa simula ng 2000 hanggang 2024.
Nagsimula magkaroon ng hit single si Taylor in 2006 with the song “Tim McGraw” and since then ay nagkaroon siya ng 14 #1 albums at 12 #1 songs on Billboard.
Mga nag-number one ay We Are Never Ever Getting Back Together, Shake It Off, Blank Space, Bad Blood, Look What You Made Me Do, Cardigan, Willow, All Too Well (10 Minute Version), Anti-Hero, Cruel Summer, Is It Over Now? and Fortnight.
Ang iba pang kasama sa Top 10 Artists ay sina Usher, Bruno Mars, Justin Bieber, Beyonce, The Weeknd, Eminem, Post Malone, Rihanna at Drake.
(RUEL J. MENDOZA)