• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 5:47 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pag-awit ng national anthem sa baseball game:  LEA, muli na namang pinahanga ang American crowd

MULING pinahanga ni Lea Salonga ang American crowd sa naging performance niya kamakailan.
Naimbitahan ang 54-year old Filipina Broadway star na awitin ang United States national anthem sa Major League Baseball game between the New York Yankees and Los Angeles Angels last June 17.
Namangha ang buong arena sa pag-awit ni Lea ng “The Star-Spangled Banner”. Binigyan kasi ito ng Tony Award winner ng sarili niyang style pero hindi lumalayo sa tono ng naturang anthem.
The Yankees shared a video Lea singing the anthem via X (formerly Twitter) with the caption: “Thank you to Tony-Award Winning Actress Lea Salonga for tonight’s beautiful rendition of our National Anthem.”
On Instagram Stories, nagpasalamat si Lea sa imbitasyon ng Yankees para awitin ang kanilang national anthem: “Thanks for having me! Go NYY!”
Kasalukuyang nasa New York si Lea performing on Broadway via Stephen Sondheim’s Old Friends kunsaan nakatanggap siya ng nomination sa Distinguished Performance Award at the 2025 Drama League Awards.
Sa August ay nasa Pilipinas si Lea para sa Philippine staging of “Into the Woods.”
***
MASARAP na pakiramdam para sa isang magulang ay ang makita ang anak na lumalaki nang maayos at nakakamit ang tagumpay sa buhay.
Para kay Mommy Daisy, labis ang kanyang kasiyahan sa mga biyayang natatanggap ngayon ng kanyang anak na si Kelvin Miranda. Lalo na bahagi ang Kapuso actor sa pinakamalaking GMA superserye ngayong taon, ang “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”
Hindi nga raw napigilan ni Mommy Daisy ang kanyang tuwa sa bagong milestone ni Kelvin.
“Tuwang-tuwa. Napasigaw ako. Syempre, malaking project ‘yan ng GMA kaya tuwang-tuwa kami na isa siya sa mga napili.”
Puno ng pagmamalaki ang ina habang napapanood na ngayon si Kelvin sa kanyang biggest role na si Sang’gre Adamus. Matagal na pinangarap at pinaghirapan ito ng anak sa loob ng ilang taon sa showbiz.
Ibinahagi rin ni Mommy Daisy kung gaano ka-dedicated si Kelvin sa paghahanda sa kanyang karakter. mula sa intense workouts hanggang sa mahigpit na diet plan.
“Tuwang-tuwa nga kami dahil biro mo, iyan din ‘yung minimithi ng marami tapos siya ang isa sa mga binigyan ng break ng GMA. Sobrang natutuwa at nagpapasalamat sa GMA. Binigyan nila ng pagkakataon si Kelvin na mapasama sa Sang’gre.”
***
NEVER daw kinalimutan ng Fil-American model na si Kelsey Merritt ang kanyang pagiging Filipino.
Bilang biracial model sa United States, marami raw siyang experiences na may kinalaman sa kanyang identity
“It was hard because there is no one like me. It was fascinating, in the Philippines, growing up biracial, I was always the white girl. And then I get to New York, I was always the Asian girl. It’s really weird to experience that.”
Pero sa gitna raw ng lahat, Kelsey identifies herself as Filipino. She knows the culture of the Philippines well and she was born in the Philippines.
“I still fully identify as Filipino. Being biracial, I feel like this is also a common experience with people who are biracial is that neither race fully accepts you because you’re not fully one or the other.
“I was born in the Philippines. I was raised in the Philippines. I was there until like seven years ago. I don’t really know American culture, I know Filipino culture by heart. So when I introduce myself, I say I am Filipino.”
Si Kelsey nga ang naging kauna-unahang Pinay Victoria’s Secret model. Nakarampa na siya sa VS Fashion Show at featured siya sa VS online catalog.
(RUEL J. MENDOZA)