Sa mga nagkalat ng fake news sa social media: Sen. BONG, nakatakdang magsampa ng cybel libel complaints
- Published on May 28, 2025
- by @peoplesbalita

Pang labing apat lamang si Sen. Bong na more than 2 million votes ang kalamangan ni Sen. Imee Marcos na nasungkit ang pang labing tatlong puwesto.
Sa raming ginawang batas ni Sen. Bong na halos lahat ay napakinabangan na ng lahat.
Sa buong panunungkulan niya sa senado ay more than 2,000 bills and resolutions ang naihain ni Sen. Bong kumpara sa iba riyan na mabibilang mo lang sa daliri ang nagawang batas.
Kami man ay nasaktan para sa working senator Bong Revilla na nasa kanyang huling termino na sana sa senado.
Kaya nga dahil marahil sa sobrang nasaktan kung kaya nakatakdang sampahan ng kasong Cyber Libel ang ilang indibiduwal na nag-post ng mga paninira.
Kaya nga raw ayon pa sa abogado ni Sen. Bong na si Atty. Fortun sa mga susunod na araw daw ay pormal na silang magsasampa ng reklamo sa lima o sampung katao na nagkakalat ng fake news sa social media.
“Sen. Revilla wil be filing the appropriate charges as specifically Cyber Libel against certain individuals.
“I have been told not to disclose the names of these individuals at this time, because there is a need to let them…but definitely Sen. Revilla will be coordinating with the NBI to find out the bonafides of this people.
“Kasi ang mga iba ay pseudonyms lang yung gamit. But definitely, they will be traced through the active cooperation of Facebook and other online agencies. And the whereabouts will be discovered and the appropriate charges will be filed,” banggit pa ng abogado.
***
BUKOD kay Bong Revilla , isa rin sa pinanghinayangan namjn na hindi nabigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa probinsiya bg Batangas ay ang sikat na TV host at aktor ba si Luis Manzano.
Handa pa naman sana si Luis na ibigay ang kanyang 100 percent para lang mapatunayan sa mga taga-Batangas ang kanyang katapatan bilang bagong pasok sa larangan ng pulitika.
Kagaya ng ina na muling nahalal na Batangas governor ay nakahanda si Luis na mag-aral at tumanggap ng mga suhestiyon para sa kanyang unang pag upo bilang bise gobernador bg probinsiya.
Sabi nga ang tandem nilang dalawa ni Ate Vi bilang governor at vice governor ay lalong magpaunlad sa buong probinsiya ng Batangas.
Wala namang bahid ng pagsisisi ang asawa ni Jessy Mendiola at ama ni Peanut sa kanyang pagkatalo na sa survey pa lang ay umalagwa at nangunguna ang panganay ni Gov. Vi.
(JIMI C. ESCALA)