Sa kabila ng ingay na dala ng usapin ng korapsyon: Pinas, nananatiling ‘strong investment destination’- Malakanyang
- Published on October 9, 2025
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA ang Malakanyang na mananatiling ‘strong investment destination’ ang Pilipinas dahil sa patuloy na pagtitiwala ng mga foreign investors sa pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang korapsyon at panindigan ang public interest.
Sa press briefing sa Malakanyang, tinukoy ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang nagpapatuloy na anti-corruption efforts ng administrasyon bilang pangunahing dahilan sa pagpapanatili ng tiwala mula sa international business community.
Tinanong kasi si Castro kung paano ang imahe ng Pilipinas ay naapektuhan ng usapin ng korapsyon sa bansa.
“Definitely po, kahit papano po ay magkakaroon ito ng epekto,” ang sinabi ni Castro.
“But marami po sa investors na mas gugustuhin po nila na ang gobyerno ay lumalaban sa korapsyon. Mas gugustuhin po nila na ipinaglalaban ng gobyerno ang karapatan ng taumbayan,” dagdag na wika nito.
Binigyang diin naman ni Castro na maraming foreign investors ang nananatling mas pinili na makatrabaho ang gobyernong committed sa good governance.
Tinuran pa ni Castro na ang posisyon ng gobyerno laban sa korapsyon ang nagbigay ng malakas na mensahe ng katatagan at pananagutan sa mga potensiyal na investors, pinatatag na long-term attractiveness ng bansa para sa foreign capital at partnerships.
So, with that, mas mananatili siguro ang tiwala nila sa Pilipinas para dito mag-invest,” ani Castro.
( Daris Jose)