Sa harap ni PBBM: Veteran journalist na si Jay Ruiz, nanumpa na bilang bagong hepe ng PCO
- Published on February 24, 2025
- by Peoples Balita
OPISYAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Veteran journalist na si Jay Ruiz bilang bagong Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
Pinalitan ni Ruiz si dating PCO Acting Secretary Cesar Chavez na nagbitiw sa tungkulin matapos aminin na nagkulang siya sa kung ano ang dapat asahan sa kanya.
Nagsumite si Chavez ng kanyang irrevocable resignation kay Pangulong Marcos Jr. noong nakaraang Pebrero 5, 2025.
Sa kabilang dako, sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag, nangako naman si Ruiz na lalabanan ang disinformation at ipalalaganap sa publiko ang mga proyekto ng administrasyong Marcos.
Samantala, itinalaga at nanumpa naman si Atty. Claire Castro bilang Undersecretary ng PCO na may karagdagang tungkulin bilang Palace Press Officer. (Daris Jose)