• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:44 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa harap ni PBBM: Bagong DHSUD CHIEF, SOLGEN, manunumpa sa bagong tungkulin

KASUNOD ng komprehensibong performance assessment, nakatakdang i-welcome ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang bagong Cabinet members, binigyang diin ang commitment ng kanyang administrasyon sa ‘pagtugon at epektibong pamamahala.’

Nakatakdang manumpa sa kanilang bagong tungkulin sina Engr. Jose Ramon Aliling bilang bagong Secretary of the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), papalitan nito si Secretary Jose Rizalino Acuzar, itinalaga bilang Presidential Adviser for Pasig River Development.

Si Secretary Aliling ay hindi na bago sa departamento, nanilbihan na kasi ito bilang DHSUD undersecretary.

Sa kabilang dako, si Atty. Darlene Marie Berberabe, Dean ng University of the Philippines College of Law, ay uupo naman bilang bagong Solicitor General, apalitan ni Berberabe si Atty. Menardo Guevarra.

Maliban sa kanyang kadalubhasaan sa akademya, nagsilbi rin si Berberabe bilang chief executive officer (CEO) ng Pag-IBIG Fund.

Nauna rito, nanawagan si Pangulong Marcos ng courtesy resignations mula sa lahat ng miyembro ng kanyang gabinete bilang bahagi ng hakbang upang muling isaayos ang administrasyon kasunod ng resulta ng 2025 National and Local Elections.

Ani Pangulong Marcos, magbibigay-daan ito upang masuri ang pagganap ng mga departamento at matukoy kung sino ang dapat na magpatuloy sa paglilingkod alinsunod sa ‘recalibrated priorities’ ng pamahalaan.

Tiniyak naman ng Pangulo na hindi maaapektuhan ng gagawing ‘transition’ ang mga serbisyo ng gobyerno kung saan tuluy-tuloy aniya ang matatag at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga tao.

“I don’t do things for optics. If there is a problem, I like to fix it. So that’s what we are doing. So expect us to be doing a rigorous performance review, not only at the Cabinet level, but even deeper,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang panayam.

Kinilala ng Pangulo ang kahalagahan na tugunan ang agaran at araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayang Filipino.

Kamakailan lamang ay inanunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin na pinanatili ni Pangulong Marcos ang kayang economic team at tinanggap ang courtesy resignations ng dalawa niyang Cabinet members.

Pinanatili rin ng Pangulo si Bersamin bilang kanyang executive secretary.

(Daris Jose)