• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa gitna ng ulat na tumataas ang kaso ng influenza-like illnesses… WALANG BAGONG VIRUS SA BANSA – DOH

WALANG bagong virus na kumakalat sa bansa sa gitna ng ulat na tumataas ang kaso ng influenza at influenza-like illnesses (ILIs) bunsod ito sa kamakailang class suspension ng Department of Education (DepEd) bilang pag-iingat at bahagi ng paghahanda sa lindol, ayon sa Department of Health (DOH).

Binigyang-diin ni DOH Secretary Teodoro Herbosa na ang dalawang araw hanggang apat na araw na pagsususpinde ng DepEd sa face-to-face classes sa Metro Manila ay ‘normal precaution’ at kasabay din ng paghahanda para sa tinatawag na “Big One” isang napakalaking senaryo ng lindol na sinasanay ng mga ahensya.

Sinabi ni Herbosa na ang ILIs ay nananatiling kabilang sa pinaka-karaniwang seasonal ailments ngunit sa kasalukuyang datos , nagpapakita na 8 percent ang pagbaba kumpara noong nakaraang taon.

Paliwanag pa ng DOH official na ang pagtaas ng mild flu cases ay inaasahan sa panahon ng tag-ulan sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre na nagmamarka sa taunang flu season sa bansa.(Gene Adsuara)