Sa ginawang pagbalik ng Senado sa articles of impeachment sa Kamara… Malinaw na Pag-abandona sa Saligang Batas
- Published on June 13, 2025
- by @peoplesbalita
ISA umanong pag-abandona sa Saligang Batas ang ginawang pagbalik ng Senado sa articles of impeachment sa Kamara.Ayon kay Akbayan Rep. elect Chel Diokno, malinaw ating Konstitusyon na kapag na transmit ang Articles of Impeachment na ang nakalagda ay nasa one-third members ng House ay walang ibang gagawin kundi ay agad-agad i-trial ang kaso.
“And anong ibig sabihin ng trial. Ang ibig sabihin ng trial ay ang tatanggapin ang ebidensiya, i-uupo ang mga testigo, ihahain ang mga exhibits. ‘Yun ang utos ng Konstitusyon. Ang Konstitusyon ay hindi lamang papel ‘yan, utos ng bayan ‘yan. Hindi ‘yan pwedeng basta basta lang ibasura o ibalewala kaya kami talagang nababahala sa ginawa ng Senado,” paliwanag nito.
Hindi rin aniya kailangang i-certify dahil mismo ang pagbigay ng articles of impeachment ay ang certification ng House na ito ang kanilang gustong i-file at sa kanilang paniwala ay matibay ang ebidensya para suportahan ito.
Sinabi pa ni Diokno na ang dapat na maghain ng mga motion ay iyong mga parties ngunit wala pa nga iyong mga parties doon.
Kung manggaling halimbawa aniya sa defense ang motion na ganyan ay dapat didingin nila.
“Pero bakit galing sa member ng court. Wala rin iyon sa rules na inaprubahan nila,” pahayag pa nit.
Naniniwala naman ito na hindi pa naman patay ang impeachment trial dahil sinabi mismo umano ni Escudero na hindi naman na-dismiss ang kaso.
Iginiit pa nto na ipaglalaban nila sa kamara na ituloy ang impeachment trial dahil utos ng Konstitusyon mismo itn.
(Vina de Guzman)