• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:48 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa Bagong Pilipinas, dapat maramdaman ng bawat Pilipino, lalo na ng ating mga magsasaka ang suporta ng gobyerno

AYON kay Secretary Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform, sa ilalim ng malinaw na direksyon ni President Bongbong Marcos, patuloy silang kikilos para gawing patas, produktibo, at marangal ang agrikultura sa bansa.
Sa isang pagpupulong katuwang ang mga senador, kongresista, gobernador, at mga kalihim ng gabinete ang lahat ay nagkakaisa sa iisang layunin: 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮.

Habang pinag-uusapan namin ang nakakaalarmang presyo ng palay, naalala ko ang sinabi ng Pangulo: ang Bagong Pilipinas ay dapat maramdaman ng bawat Pilipino, lalo na ng ating mga magsasaka.

Dahil bawat butil ng palay ay pawis ng isang pamilyang Pilipino, at tungkulin nating tiyakin na sulit ang kanilang sakripisyo.
Kasama sa pagpupulong na ito sina Senator Kiko Pangilinan, Sec of Agriculture, Tiu Laurel at ang Speaker of the House na si Faustino ‘ Bojie’ Dy.
( Boy Morales Sr.)