• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Russian tankers na naglalaman ng crude oil at petroleum products, mabilis umanong naglalaho mula sa mapa

MULA NANGĀ  lusubin ng Russian forces ang Ukraine, naapektuhan ang global energy market dahil sa isa ang Russia sa largest oil producer.

 

 

Lumitaw din ang de facto embargo sa Russian oil dahilan kung saan ilang mga oil companies, trading houses , shippers at banks ang umatras na.

 

 

Subalit mayroong ilang sinyales na ilang mga potential buyers ang interesado sa Russian energy ng palihim.

 

 

Habang nagpapatuloy ang giyera sa Ukraine, ang russian tankers na naglalaman ng crude oil at mga produktong petrolyo ay mabilis umanong naglalaho mula sa tracking systems.

 

 

Sa tinatawag na dark activity kung saan ang ships transponders ay nakaturned off ng ilang oras pinaniniwalaan ng US officials na isang deceptive shipping practice na karaniwang ginagamit para matakasan ang ipinapataw na sanctions.