Rollout ng mga smuggled na asukal sa Kadiwa stores, sisimulan na sa Abril – DA
- Published on March 23, 2023
- by @peoplesbalita
TARGET ngayon ng Department of Agriculture na simulan na ang pagbebenta ng mga nakumpiskang smuggled na asukal sa mga Kadiwa store pagsapit ng buwan ng Abril ng taong kasalukuyan.
Ayon kay DA spokesperson Kristine Evangelista, sa ngayon ay isinasapinal pa ng kagawaran ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng mga ito upang maibenta na ito sa mga Kadiwa stores, Kadiwa on Wheels, at maging sa mga Kadiwa-accredited retailers.
Aniya, layunin nito na maibenta kada kilo sa mga Kadiwa stores at tinitignan na aniya sa ngayon kung gaano katagal ang itatagal ng mga supplies nito.
Ngunit nilinaw niya na sa oras na mapahintulutan na ang pagbebenta nito sa mga Kadiwa stores ay papahintulutan lamang na makabili ang isang pamilya ng maximum na dalawang kilo. (Daris Jose)