RIDER, NADULAS ANG MOTORSIKLO, PATAY
- Published on February 28, 2022
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang 38-anyos na rider nang nadulas ang sinasakyang motorsiklo sa Tondo, Maynila Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Elmer Payot y Onez, ng 2304 Rizal Avenue corner Matang Tubig St., Tondo. Maynila na namatay sa pinangyarihan ng insidente .
Sa ulat ni Corporal Eric Jay Despabiladero ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) dakong alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng southbound ng Rizal Avenue kanto ng Matang Tubig St., Tondo, Maynila nang pagsapit sa bahagi ng Teodoro Santos St., nang mawalan ng kontrol sa kanyang manibela at biglang dumulas ang gulong ng kanyang motorsiklo.
Dahil sa insidente at malakas na pagbagsak, tumama ang kanyang ulo sa semento na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan .(GENE ADSUARA)