• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:16 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rider na tulak, laglag sa drug bust sa Valenzuela

NASAMSAM sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P.1 milyong halaga ng shabu matapos umanong kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng gabi.
Sa report ni P/Lt. Swerwin Dascil, OIC chief ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police kay Acting Chief P/Col. Joseph Talento, sinabi niya nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Waway”.
Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU, kaagad bumuo ng team si Lt Dascil bago ikinasa ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.
Sakay ng kanyang motorsiklo, nakipagtagpo umano ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa ilalim ng West Service Road Footbrigde, sa West Service Road, Brgy., Paso De Blas.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa police poseur buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga tauhan ni Lt Dascil dakong alas-11:05 ng gabi.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P136,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 at pitong P1,000 boodle money, P200 recovered money at gamit niyang motorsiklo.
Ayon kay SDEU investigator P/MSgt. Ana Liza Antonio, nakatakda nilang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng Inquest Proceedings. (Richard Mesa)