Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee
- Published on April 28, 2021
- by @peoplesbalita
Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna.
Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance sa mga tinamaan ng bagyong “Ulysses” at “Rolly” nitong 2020.

Ang nasabing resolusyon — na iba ang bisa sa isang panukalang batas — ay ibinalangkas nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, Eufemia Cullamat, Kabataan Rep. Sarah Jane Elago at ACT Teachers Rep. France Castro nitong Disyembre.
Merong P13.7 bilyong “hindi nagastos” na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa “Assistance to Individuals in crisisa Situation” (AICS) program na maaari raw ipamahagi ng gobyerno sa mga nasalanta ng Typhoon Rolly at Ulysses, ayon sa six-member Makabayan bloc sa Kamara.