• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:58 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Resignation’, hindi dahilan para maabsuwelto ang opisyal na isinasangkot sa flood works mess

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magiging dahilan ang pagbibitiw sa puwesto para hindi mapanagot ang mga opisyal na isinasangkot sa maanomalyang flood control projects.

“That’s not enough,” ang sinabi ni Pangulong Marcos nang tanungin kung matatakasan ng mga opisyal na isinasangkot sa flood works irregularities ang pananagot kapag nagbitiw sa puwesto.

“There is a great deal of damage that has been caused — not only financial damage or economic damage, but actual damage to people’s lives,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang pinakabgong episode na “BBM Podcast”, kasama si Philip Cu-Unjieng ng Manila Bulletin bilang kanyang interviewer.

Ayon sa Chief Executive, hindi maatim ng kanyang konsensiya na maraming pamilya ang nasawi dahil sa “lousy” na flood control projects na gumuho nang ang mga ito ay lubhang kailangan.

“How can you live with that? I can’t live with it. So, I won’t live with it. So, we’ll keep pushing,” aniya pa rin.

Matatandaang nagbitiw ang kanyang pinsan na si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker of the House of Representatives matapos na madawit ang Kongreso sa corruption scandal. Bukod kay Romualdez, nagbitiw din si Elizaldy “Zaldy” Co, bilang kinatawan ng party list Ako Bicol at kasalukuyan ngayong nasa ibang bansa.

Sinabi ni Pangulong MArcos na palagi na siyang may “a sniff and suspicion of corruption in government,” subalit labis na ikinagulat ang extent ng scandal.

“And I said this cannot persist. Nothing will happen to the Philippines if we carry on this way … And we will just be this little nation that’s feeding upon itself,” anito.

Binigyang diin pa ng Pangulo na ayaw niyang magkaroon ng ‘resigned attitude’ ang kanyang administrasyon na wala man lamang nagawa para tugunan ang ‘systemic corruption.’

“And this is what we’ve seen over so many past decades. I didn’t want to be another one. I didn’t want to be a part of that kind of attitude, especially in terms of public service,” ang tinuran ng Pangulo. ( Daris Jose)