Rep. Tiangco, nagpasalamat sa pagbuwag sa small committee
- Published on August 9, 2025
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Navotas Representative Toby Tiangco ang House Co on Appropriations sa pagdinig sa kanyang panawagan na buwagin ang nakagawian ng paglikha ng small committee na hahawak ng mga amendment sa panukalang pambansang badyet.“Nagpapasalamat tayo dahil nakinig ang House Committee on Appropriations sa matagal na nating sinasabi. Hindi talaga transparent ang paggawa ng small committee, kaya dapat lang itong buwagin,” ani Tiangco.
“The fact that they agreed to abolish the small committee proves that I was correct and that may problema talaga sa sikretong usapan ng apat na tao na bumubuo nito,” dagdag niya.
Gayunpaman, binigyang diin ni Tiangco na ang pag -alis ng small committee ay ang unang hakbang lamang patungo sa pagtaguyod ng transparency sa mga konsultasyon sa badyet.
Hinimok niya ang House Committee on Appropriations na gawin na ang lahat ng individual amendments sa bukas plenary sessions.
“It is not enough that there is a subcommittee on budget amendments review. As I’ve said, just like any law, ALL individual amendments must be discussed in plenary before the approval of the House General Appropriations Bill on second reading. Dapat mag-commit sila na lahat ng individual amendments ay gagawin sa plenaryo para talagang kita ng lahat kung ano ang mga pagbabago sa proposed budget,” aniya.
“Hindi na uubra yung excuse na sobrang dami ng line items. Kung marami talaga, then we must work overtime. If we can do it for all other bills, why can’t we do it for the most important bill we pass each year? Trabaho namin ‘yan. Kahit gaano kahirap, dapat naming gampanan. No ifs and buts,” dagdag pa niya.
Muling sinabi niya na walang mga pagbabago sa iminungkahing badyet na dapat gawin pagkatapos na naaprubahan ang panukalang batas para sa pangalawang pagbasa.
Hinamon din ni Tiangco ang House Committee on Appropriations na maipahayag ang amendments na ginawa ng small committee para sa 2025 budget, kung ito ay tunay na taos -puso sa pangako nito sa transparency and accountability. (Richard Mesa)