Rep. Nisay inendorso ang complaint… Impeachment complaint vs PBBM inihain sa Kamara
- Published on January 20, 2026
- by @peoplesbalita
INIHAIN na sa Kamara ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Presidente Bongbong Marcos Jr.
Ang reklamo ay inihain ni Atty. Andrei de Jesus, sa alegasyon ng culpable violation of the Constitution, graft and corruption, at betrayal of public trust.
Inindorso ito ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay.
Isinumite ang impeachment complaint sa Office of the Secretary General ng Kamara.
Isa sa tinukoy ni de Jesus na grounds ay ang umano’y “order” at “enabling” sa “kidnapping” at pagsuko kay dating Presidente Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Sinabi pa ni De Jesus na ginawa ito nang wala umanong balidong Philippine warrant at sa kabila ng patuloy na operasyon ng Philippine courts.
Sinadya umano ni ang paggamit sa foreign intervention at isinantabi ang domestic legal processes.
Ang pagsuko ng isang dating pangulo sa dayuhang korte ay isang direktang pagkontra sa national sovereignty at malinaw na paglabag sa constitutional guarantees of due process.
Kabilang din sa dahilan ang “unfitness to serve” dahil sa umano’y pagkalulong nito sa droga na inihayag mismo ni Senador Imee Marcos.
Ang hindi pag-veto sa unprogrammed appropriations at iba pang unconstitutional provisions sa general appropriations bill mula 2023 hanggang 2026.
Nakinabang din umano ang pangulo sa budget insertions at ghost flood projects at pagprotekta umano sa mga korup na kaalyado.
Ang complaint ay inendorso ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Partylis Rep. Jett Nisay. (Vina de Guzman)