• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 10:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

REP. LEILA DE LIMA, NAGSAMPA NG REKLAMO SA DOJ

PORMAL na naghain ng reklsmo sa Department of Justice (DOJ) si Mamamayang Liberal Party-List Leila De Lima laban sa mga prosecutor.
Nais ng kampo ni De Lima na maimbestigahan ang mga prosecutors na umabuso sa kapangyarihan .
Sa isinumiteng pormal na reklamo ng mambabatas sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Atty.Dino de Leon, reklamong grave misconduct and gross ignorance of the law ang kanilang inihain.
Sinabi ng kampo ng mambabatas na hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin tumitigil ang mga prosecutors sa paghahabol sa kaso ni De Lima .
Ayon sa ML Party-List, naabswelto na ito at nadismis na ang kaso sa hukuman.
Noong July 23, inatasan na rin anya nina Justice Secretary Crispin Remulla at Prosecutor General Richard Fadullon sa pamamagitan ng memorandum noong July 23 ang mga DoJ Prosecutors na i-withdraw o iatras na ang Motion for Reconsideration na dating inihain ng DoJ.
Paliwanag ni Atty.De Leon, nais nilang maimbestigahan ang umano’y umabuso sa kapangyarihan na mga prosecutors .
Dagdag pa ng abogado, ang hakbang na ito ay simula pa lamang dahil nais din nilang papanagutin ang mga nasa likod kung bakit ito nakulong noong panahon ng administrasyong Duterte. (Gene Adsuara)