Rep. Leila de Lima, magkahalong lungkot at pagkadismaya sa desisyon ng Korte Suprema
- Published on July 28, 2025
- by @peoplesbalita
MAGKAHALONG lungkot at pagkadismaya ang nadarama ng mga mambabatas matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa one year rule.
Ayon kay Mamayang Liberal Party List Rep. Leila de Lima, hindi lamang umano unprecedented ang naging desisyon ng SC kundi procedurally questionable pa ito.
“Ito po ay isang hatol na ipinasa nang hindi man lang pinagsalita ang kabilang panig. The House of Representatives, the principal respondent in the case, was not given the opportunity to file a formal Comment as required by Rule 65, Section 6 of the Rules of Court. No such order was issued by the Court,” ani de Lima.
Sa halip aniya na atasan ang kamara na maghain ng komento, nag-isyu ang korte ng kautusan ukol sa kaso.
“Paano naglabas ng pinal na desisyon kung wala pang pormal na tugon ang respondent? Even traffic violators are given more due process than what was accorded here. Isang desisyong walang patas na proseso ay isang desisyong nakabitin sa ere,” dagdag pa ng mambabatas.
Nirerespeto ng mambabatas ang SC ngunit sa nasabing kaso ay dapat magkaroon ng paglilinaw at paliwanag.
“Walang naburang kasalanan. Walang nalinis na pangalan. Teknikal ang desisyon. Ang mga alegasyon ay nananatiling totoo, malubha, at hindi pa nasasagot. We must not let this ruling numb our sense of justice. Hindi tayo dapat masanay sa mga lider na hindi napapanagot. Hindi pa tapos ang laban.” giit nito.
Sinabi naman ni Akbayan Rep. Chel Diokno na sa desisyong ito ay talo umano ang taumbayan at talo ang pananagutan.
“Impeachment is about accountability. The process followed the constitution: the complaint was verified, endorsed by more than one-third of the House, at iisa lang ang kasong kinakaharap ni Vice President Sara Duterte. There was no violation of due process—only a demand to present the truth to the Filipino people,” ani Diokno.
Para naman kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendana, nagbigay ng mapanganib na precedent ang ginawang pagbasura ng sc sa impeachment.
“Lahat ng tiwaling politiko, pwedeng magtago sa likod ng Supreme Court at takasan ang pananagutan sa sambayanan,” pahayag ni Cendana.
(Vina de Guzman)