Rep. Erice, hinimok ang special session na palakasin ang kapangyarihan ng infrastructure commission’s
- Published on October 17, 2025
- by @peoplesbalita
HINIMOK ni Caloocan City 2nd District Representative Edgar “Egay” Erice si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatawag ng special session ng Kongreso para mabilis na maipasa ang batas sa pagbibigay ng buong kapangyarihan sa pag-iimbestiga sa Independent Commission on Infrastructure (ICI).
Nag-ugat ang panawagang ito pagkatapos na ang mga kontratista na sina Sarah at Curlee Discaya ay naiulat na tumanggi na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICI.
Ayon kay Erice, ang ICI na nilikha lamang sa pamamagitan ng isang executive order ay kasalukuyang walang legal na awtoridad upang pilitin ang mga pribadong indibidwal at entity na lumahok sa imbestigasyon.
“Without a law, the commission is powerless and could become inutile. This refusal to cooperate will encourage others to do the same, undermining the credibility of the investigation and delaying justice in what may be the biggest public fund heist in Philippine history,” babala ni Erice.
Binigyang-diin ng mambabatas na tanging ang isang komisyon na nilikha ng isang batas ng Kongreso ang maaaring magpatawag ng sinumang indibidwal maging sa gobyerno o pribadong sektor at cite them in contempt ang mga ito kung tumanggi silang tumestigo o magsumite ng mga dokumento.
Binigyang-diin pa niya ang pangangailangan para sa kalayaan ng institusyon: “Under an executive order, the commission depends entirely on the President for funding and can be abolished at any time. A legislated commission, however, cannot be dissolved easily and will possess true independence.”
Hinikayat din ni Erice ang agarang pagkilos dahil sa pagkabahala nito na ang mga pangunahing indibidwal ay maaaring tumakas sa bansa o sirain ang crucial records.
“Witnesses and whistleblowers will lose confidence if the administration hesitates. The President must act decisively to prove his sincerity in bringing the perpetrators of this plunder to justice.” aniya.
Sinabi pa ni Erice na tanging ang matibay na batas lamang ang makakasigurado ng isang kapani-paniwala, malakas, at independent inquiry na may kakayahang magbunyag ng katotohanan at managot sa lahat ng mga sangkot sa di-umano’y mga anomalya sa imprastraktura. (Richard Mesa)