• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rep. Defensor nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

 

 

Ayon kay Defensor, nalaman niyang siya ay positibo sa COVID-19 dalawang linggo na ang nakalilipas.

 

 

Bukod sa kanya, aabot sa pitong kasamahan niya sa bahay kabilang ang kanyang son-in-law ang nagpositibo rin sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Defensor na siya ay asymptomatic at kasalukuyang naka-quarantine, uminom ng gamot at vitamins at nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa kanilang sitwasyon.

 

 

Bukas ay nakatakdang sumailalim ulit sa COVID-19 swab test si Defensor. (Gene Adsuara)