• March 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Religious groups, NGO’s inendorso ang BG Partylist

SAMA-SAMANG inendorso ng iba’t ibang religious groups at non-government organizations (NGOs) ang kandidatura ni Greco Belgica ang first nominee ng Bisaya Gyud (BG) Partylist.

 

Sa idinaos na pagtitipon ng mga leaders ng iba’t ibang samahan ng relihiyon, nagkaisang suportahan para maihalal ang BG Partylist sa darating na May election.

 

Ginawa ng iba’t ibang religious groups at NGOs ang pag-endorso kay Belgica bunsod ng kanilang buong tiwala, kakayahan, karanasan, tapat na pamamahala ni Belgica gayundin ang prinsipyo nito tapang at kontra korupsyon.

 

Kabilang sa mga nag endorso sa BG Partylist ay ang APOSTOLIC REFORMATION MINISTERS OF THE PHILIPPINES, gayundin ang NGO na Ministers of Yeshua Change Agent; INTERNATIONAL BISHOP OF ECCLESIASTICAL COUNCIL;

ang NGO na IHelp – Ministers of International Holistic Engagement for Life and Progress.

 

Ilan pa sa sumuporta sa pag endorso ang National Chaplain Advocacy Group; Ministers of Valenzuela’s Progress; Soul Saver Organization (Muntinlupa); Winners Movement Pastors Support Group; Ministers of YESHUA MEN OF COVENANT; TRINITARIAN SCHOOL OF THEOLOGY; Indigenous Fundamental Baptist Ministers of the Philippines; COUNCIL Bishops and Ministers Association of the Philippines; Jesus Heart of the Mission Team; The Pastors of Manila Network; Association of Pastors for Political Affairs Philippines; Kingsway Fellowship Int Phils Inc.; Pastoral Care Montalba at ang ADVOCACY OF MINISTERS AND EDUCATORS NATIONWIDE.

 

Samantala, mariing  pinalagan ni Belgica ang naging pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte umaga sa Ninoy Aquino International Airport.

 

Ayon kay Belgica, ipinagtataka nila kung bakit inilihim ang plano ng pagdakip sa dating  pangulo at tila may nga prosesong nalaktawan sa naging hakbang ng Philippine National Police.

 

Sinabi ni Belgica na mag-uusap ang mga  kakampi ng dating pangulong Duterte upang ayusin ang mga legal na hakbang kaugnay sa pangyayari. (PAUL JOHN REYES)