• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:37 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rehab ng LRT 2 at extension nakaplano

NAKAPLANO na ang P10 billion na proyekto ng pamahalaan para sa overhaul ng bagon ng Light Rail Transit Line 2 at ang pagkakaron ng extension ng linya hanggang Tondo sa Manila.

 

“We would entertain proposals from the private sector to rehabilitate the LRT 2 train cars, maintain the rail line, and expand it by at lest three stations,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez.

 

Ayon kay Chavez ang desisyon na ibigay sa pribadong sector ang financing para sa proyektong ito ay naaayon sa polisia ni President Marcos na magkaron ng public-private partnership (PPP) mode ang mga proyekto.

 

Sa ngayon ay wala pa nakukuhang pondo para sa LRT 2 West Extension Project kung saan ang LRT Line 2 ay pahahabain ng 3.02 kilometro hanggang west ng estasyon sa Recto. Ang nasabing proyekto ay may estimated na halagang P10.12 billion.

 

“We don’t have the budget yet for the extension. Following the thrust of President Marcos and Finance Secretary Benjamin Diokno, we want the project to be done through PPP,” dagdag ni Chavez.

 

Sa ilalim ng nasabing package kung, ang pribadong sektor na makakakuha sa proyekto ay siyang bahala sa rehabilitation ng mga train cars kasama rin ang maintenance ng mga units. Sila rin ang mamahala sa construction ng west extension.

 

Inaasahan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na siyang operator ng LRT 2 na matatapos ngayon taon ang procurement ng design at build contract para sa west extension.

 

Ang LRT 2 west extension ay magkakaron ng karagdagang tatlong bagong estasyon: Tutuban, Divisioria at Pier 4. Hindi lamang acquisition ng right-of-way ang kasama sa package kung hind pati na rin ang pagbili ng bagong limang (5) trains na may four-car configuration.

 

Mayron naitalang 239,000 na peak daily ridership ang LRT 2 matapos na magkaron ng extension ito sa east sektor ng Marikina at Antipolo. Batay sa projections, ang ridership ay tataas pa ng 300,000 kada araw kapag natapos na ang west extension.

 

“Ridership in the LRT 2 is estimated to almost triple to 34.2 million this year from 11.84 million a year ago, due to the resumption of in-person classes next month,” saad ni Chavez.  LASACMAR