• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Recto, pinag-aaralan ang mga opsyon para palakasin ang online gambling regulation

KASALUKUYAN ngayong pinag-aaralan ni Finance Secretary Ralph Recto ang pagpapataw nang mas mahigpit na mga tuntunin bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno upang higit pang ayusin ang online gambling.

Sinabi ni Recto na isa sa mga opsyon na kabilang ay ang pagpapataw ng mas mataas na buwis.

“There are many ways of doing it. One is we leave it to Pagcor (Philippine Amusement and Gaming Corporation) – because Pagcor, on its own, can increase the fees and charges it collects from online gaming,” ayon sa Kalihim.

Winika ni Recto na ang pagtataas sa buwis ng 10%, base sa gross gaming revenue, mapahihintulutan ang gobyerno na kumolekta ng karagdagang P20 billion kada taon.

Ang iba pang panukala ay kinabibilangan ng pagbabawal sa government officials mula sa pagpartisipa sa online gambling, pagdi-display ng warnings hinggil sa panganib ng pagsusugal, at paggamit ng national ID upang masiguro na ang 21 taong gulang at pababa ay hindi magagawang magka- access sa online gaming sites.

“There should probably also be a warning that gambling is habit-forming, similar to cigarette labels. I think we need to have a system in place, and part of the regulation should include something like that,” ayon kay Recto.

“Maybe we can use the national ID, as I’ve suggested before, so that a person’s age can be verified. If you’re below 21, you shouldn’t be allowed to play online games,” aniya pa rin.

Winika pa ni Recto na maaaring ipag-utos ng gobyerno ang listahan ng online gaming operators  para sa mas higit na transparency.

“That’s a possibility. We can force them to list para alam natin (so we will know) who are the people behind it. It becomes more transparent. That’s a possibility,” ang sinabi ni Recto. (Daris Jose)