• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Recto, Pangilinan pinag-usapan ang mga hakbang para patatagin ang sektor ng asukal

TINALAKAY ni Executive Secretary Ralph G. Recto kay Senador Francis Pangilinan ang ilang ‘policy options’ para makatulong na maihanay sa government actions sa pagbibigay diin sa mga usapin na may kinalaman sa industriya ng asukal.
Tiniyak ni Recto kay Pangilinan na ang sektor ng asukal ay mananatiling prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ng Office of the Executive Secretary (OES) na ang miting ay bahagi ng pinalawak na pagsisikap ng administrasyong Marcos na lumikha ng ‘responsive at coordinated interventions’ para sa sugar industry, sa gitna ng nagpapatuloy na hamon na nakaaapekto sa produksyon, presyo at suplay.
Nangako naman si Recto na rerebisahin ang mga concerns na nabanggit at tiyakin na maitataas ito sa tamang government offices para sa policy consideration.
Binigyang diin din nito ang pangangailangan para sa malapit at mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislaturang sangay ng pamahalaan para masiguro ang epektibong implementasyon ng policy responses.
Sinabi ni Recto na mayroon ding pangangailangan na panatilihin ang dayalogo sa mga magsasaka, millers at iba pang stakeholders para lumikha ng inclusive at practical solutions na makapagpapalakas sa industriya ng asukal. ( Daris Jose)