• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 3:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ravena balik na assistant coach sa Tropang Giga

IBINALIK sa kanyang dating posisyon sa Talk ‘N Text si Ferdinand Ravena, Jr.  bilang isa sa mga assistant coach sa parating na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup sa Abril 9

 

 

Ito’y makaraang iupong muli ng Tropang Giga management si Vincent Reyes bilang coach ng flagship team ng MVP Group.

 

 

Demoted si Ravena bilang isa sa mga ayudante kasama nina Alexander Arespacochaga, Alton Lister, Yuri Escueta, Ranidel De Ocampo at Joshua Reyes.

 

 

Coach si Ravena nang umalis si Raoul Cesar Racela noong 2018.

 

 

Tinapik ng team si Mark Dickel bilang active consultant.

 

 

Pero bukas na aklat naman ng lahat na ang New Zealander ang nagtitimon sa Tropang Giga, sa mga laro ay siya ang nakatayo sa bench. Mas madalas na nakaupo si Ravena.

 

 

Sa postgame interview ng media, ang 1992 Rookie of the Year ang  nakikipag-usap sa mga mamamahyag – siya ang humaharap at sumasagot sa mga tanong.

 

 

Sa ilalim ng titulong coach, nirendahan ni Ravena ang Tropang Giga hanggang Finals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup pero nalasing sa sa San Miguel Beer.

 

 

At nitong Philippine Cup ng pandemic-shortened Season 45, nakarating din sila sa championship sa Pampanga bubble noong Disyembre pero nilango rin ng Barangay Ginebra San Miguel sa limang laro. (REC)