• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 9:07 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rapist na wanted sa Valenzuela, nalambat sa manhunt ops sa Caloocan

NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang lalaki na wanted sa kasong rape sa Lungsod ng Valenzuela nang masukol ng tumutugis na mga pulis sa Caloocan City.

Ayon kay Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, dakong alas-10:05 ng gabi nang maaresto ang 58-anyos na akusado sa Phase 10A, Package 1, Block 10, Lot 2, Bagong Silang.

Ang akusado ay nakatala bilang No. 7 sa Top Ten Most Wanted Person sa Valenzuela City Police Station na bigla na lamang umanong naglaho nang malamang may inilabas ang korte na warrant of arrest laban sa kanya.

Hanggang sa makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) na madalas umanong nakikita ang presensya ng akusado sa Bagong Silang, Caloocan City.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trail Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City noong September 9, 2021, agad ikinasa ng mga operatiba ng WSS ang pagtugis sa akusado na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ang naturang arrest warrant para sa kasong Rape by Sexual Assault na may inirekomendang piyansa na P200,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang nakakulong ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)