• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RALLY KONTRA KORUPSYON, IKAKASA NI CHAVIT SINGSON

SA kanyang ‘The Grand Conspiracy’ (The Singson Revelations) kahapon ng umaga, Lunes, January 5 na ginanap sa Club Filipino, San Juan City sa harap ng iba’t ibang media people ay binanggit ni dating Governor Chavit Singson ang pangalan nina Pres. Bongbong Marcos Jr., Rep. Martin Romualdez, at Zaldy Co bilang ‘mastermind’ umano ng anomalya sa flood control projects.

Ayon sa presentation ni Singson, “Nilaglag ni Bongbong Marcos ang mga contractor at engineers… [pero] hindi niya binanggit sina Zaldy Co at Martin Romualdez.”
Dagdag pa nito,
“SINUNGALING NA PRESIDENTE ITO… MALIWANAG NA SINUNGALING. SILA NA ANG NAGNAKAW, SILA PA ANG HERO.”
‘Yan ang ilan sa maaanghang na naging pahayag ni Manong Chavit at gusto nang mapanagot ang mga tao sa likod ng katiwalian at korapsyon sa ating gobyerno.

Samantala, nanawagan din si former Governor Chavit na sumama sa ikakasa nilang ‘One Time, Big Time Rally’, laban sa katiwalian sa ating pamahalaan. Kakausapin pa raw niya ang mga religious groups at ang iba’t ibang grupo na makiisa sa panawagang ito lalo na ang mga kabataan na makilahok at manindigan upang tuluyan nang managot at matigil ang korapsyon sa ating bansa. “Naniniwala ako sa sinabi ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal na nasa kabataan ang pag-asa ng ating bayan kaya hinihikayat ko silang manindigan sa katotohanan, para sa kanila ang ipinaglalaban nating ito,” pahayag ni Manong Chavit.
“After this, we will schedule a one-time, big-time rally at nakikiusap ako sa lahat ng religious organizations, lahat ng nagmamahal sa ating bansa, lahat ng ayaw sa katiwalian, graft and corruption…Inaanyayahan ko kayo pero magtatanong ako kung kailan ‘yon but it should be ASAP and we will march to Malacañang,” aniya pa.
Wala pang ibinigay na petsa ang dating gobernador, pero bukas siyang idaos ito sa Pebrero, kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA Revolution.
“I would prefer kabataan ang magsabi ng date… Tumayo kayo, huwag kayong matakot dahil future n’yo ito.
Naniniwala rin si Manong Chavit na lahat ng kaganapan ngayon sa ating gobyerno ay nauulit na lamang. ‘HISTORY IS REPEATING ITSELF’
“I’m sure na matatanggal si Bongbong Marcos now, ngayon, the soonest possible time. Sigurado ‘yan matatanggal si Bongbong Marcos,” pahayag pa ni Singson
Naniniwala rin si Singson na Ang lahat ng ito ay stated that he believes it is “divine providence” that Marcos Jr. will be ousted this year, 40 years after Marcos Sr. was overthrown.
“This is a grand conspiracy! Niloloko lang tayo harap-harapan! Hindi na sinusunod ang Supreme Court. Harap-harapan nagnanakaw sila ng kaban ng bayan,” wakas na pahayag ni dating governor Singson.
(Mary Rose Antazo)