• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 11:42 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Racasa, aarangkada na ngayong taon

NAIBULALAS ni Antonella Berthe Racasa ang saya nang pormal na tanggapin ang Antonio Siddayao trophy sa kadaraos na SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

 

Kaya determinado ang 12-taong-gulang na Pinay woodpusher na mas pag-igihan pa ang kanyang kampanya sa mga lalahukang torneo ngayong 2020 upang bigyan ng karangalan ang bansa at muling tumanggap ng parangal mula sa PSA.

 

Isa sa pakay ni Racasa ang masama sa MILO Junior Athletes of the Year na ipinagkakaloob para sa mga batang atleta.

 

“Maraming salamat sa PSA mas pagbubutihin po namin ang pag-ensayo para makapagbigay tayo ng karangalan sa bansa,” sambit ni Roberto Racasa, ang ama ni Antonella at isa ring chess player.

 

Bukod kay Racasa, ang ibang manlalaro ng nasabing sport na pinarangalan sa nasabing event ay sina International Master Daniel Quizon at Grangmaster John Paul Gomez.

 

Kasama si Quizon, 14, sa MILO Junior Athletes of the Year habang tumanggap ng citation award si Gomez.
Samantala, kinansela karamihan ang mga international tournament ng batang Racasa dahil sa paglaganap na COVID-19 ng China. (REC)