• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Quota system’ ng PNP, puwedeng gamiting ebidensiya sa ICC probe

NANINIWALA si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ang sinabing ‘quota’ system ng PNP ni 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita sa kampanya kontra droga para mapalakas ang kaso sa International Criminal Court (ICC).

 

 

Ang ‘quota’ system ay ang pagkakaroon ng minimum na bilang ng drug busts kada linggo at isang dahilan kung bakit nagkaroon umano ng dahilan na ‘nanlaban’ sa kampanya kontra droga lalo na noong panahon umano ng pamunuan ni Pres. Rodrigo Duterte.

 

 

“Naniniwala ako na ang ‘quota system’ na ito ay isa mga dahilan sa talamak na extra-judicial killings (EJK) at human rights violations sa panahon ng pekeng drug war ni Duterte at mukhang ginamit din laban sa mga aktibista at iba pang kritiko ng administrasyon nya,” pahayag ng kongresista.

 

 

Naniniwala pa ang mambabatas na maaaring gamitin ang pahayag ni Rep. Bosita para mapalakas ang kaso sa International Criminal Court (ICC) upang mapanagot ang mga responsable sa libong EJKs.  (Ara Romero)