• February 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City LGU palalakasin programa sa mga local vendors

TINIYAK ng Quezon City government na mas palalakasin nila ang mga programa para sa mga local vendors sa pamamagitan nang pag-institutionalize sa QC Vendors’ Business School (QC VBS) kasabay ng pinagtibay na Ordinance No. SP-3430, S-2025.

Layon ng ordinansa na iniakda nina Councilors Victor Bernardo, Aly Medalla, Emmanuel Banjo Pillar, Candy Medina at Wencerom Benedict Lagumbay na maitaguyod ang professionalization, sustainability, at development para sa mga local vendors ng QC.
Ang itatatag na QC VBS ay magbibigay ng mga pagsasanay para sa mga vendor mula sa pampubliko at pribadong pamilihan, mga hawker, ambulant, at street vendor.

Nagpasalamat naman si QC Mayor Joy Belmonte sa mga katuwang ng lungsod mula sa CGIAR Resilient Cities Initiative hinggil sa paglalaan ng kanilang oras at kaalaman upang suportahan ang lungsod at ang mga vendor.