Que lumagay sa pang-63, ginantimpalaan ng P26K
- Published on April 12, 2022
- by @peoplesbalita
TINAPOS ni Angelo Que ang labanan sa 75 pa-3-over par 219 humanay sa tatlong Japanese sa pang-63 posisyon sa pagrokyo ng 38th Japan Challenge Tour 2022 opening leg ¥15M (P6.2M) Novil Cup sa J Classic Golf Club sa Tokushima nito lang Abril 6-8.
Napremyuhan ang Pinoy bet na may 73 at 71 pa sa unang dalawang yugto, ng ¥362K (P26K) sa 151-player, 54-hole stroke, 3-day event na pinagkampeonan ng local bet na si Yuto Soeda (68-201) sa pamamagitan ng isang palong kalamangan sa kababayang si Satoshi Hara.
Setlog sa premyo ang isa pang bet ng ‘Pinas na si Fil-Am Justin Delos Santos nang sumalto sa cut off, pumuwesto sa 17 magkakabuhol para sa pang-80 tapos ng two rounds pa lang ng torneo. (REC)