QC nasa state of calamity
- Published on March 14, 2020
- by @peoplesbalita
ISINAILALIM na ang Quezon City sa State of Calamity sa kalagitnaan ng Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang public address, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na “it has to be done” para magamit ng siyudad ang quick response funds nito na makatutulong sa pagtugon sa health crisis.
“The president has himself declared a state of public emergency and this gives us enough basis to declare a state of calamity here in our city,” ani Belmonte.
“Sa laki at lawak ng lungsod kinakailangan po talaga ng suporta ng 142 barangays, if we are to successfully conquer this disease and if we are to successfully carry out our mandate,” ayon pa sa alkalde.
Sa ngayon ay mayroon ng 6 na kumpirmadong kaso sa Quezon City ayon sa kumpirmasyon ni Mayor Belmonte. Nasa 52 katao naman ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa DOH. (Daris Jose)