• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 4:05 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC LGU, DHSUD TARGET ANG RENTAL HOUSING SCHEME O 4PH PROGRAM PARA SA MGA INFORMAL SETTLER

NAKIPAGPULONG si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na pinangunahan ni Secretary Engr. Jose Ramon Aliling upang talakayin ang mga programang pabahay sa Lungsod Quezon.
Batay sa isinagawang pagpupulong nina DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at QC Mayor Joy Belmonte, kanilang napagkasunduan na alisin ang mga informal settler families na naninirahan sa mga delikadong lugar at nahaharap sa panganib lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Aabot sa 13,000 pamilya na naninirahan sa iba’t ibang daluyan ng tubig sa Qurezon City ang target na mailigtas sa sakuna na dulot ng mga pagbaha sa tuwing may nararanasang malakas na pagbuhos ng ulan at bagyo.
Kabilang sa kanilang mga tinalakay ang paglulunsad ng proyektong pabahay o expanded 4ph program para sa mga mahihirap na sektor na nangangailangan ng serbisyo sa lungsod.
Ayon kay DHSUD Sec. Aliling, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilikas ang mga residenteng nakatira sa mga tabing ilog, estero at iba pang daluyan ng tubig at ilipat sa disente at ligtas na lugar.
Katuwang ang DHSUD, dadagdagan pa ng lokal na pamahalaan ang mga rental housing projects para sa informal settler families.
Sinabi naman ni Mayor Belmonte, handa ang QC Local Government na magbigay ng angkop na lugar para sa programang rental housing scheme para sa mga apektadong residente.
Dumalo sa pulong sina Usec. Marisol Anenias, Usec. Eduardo Robles Jr., Asec. Frank Gonzaga, Director Mario Mallari, Chief of Staff Rowena Macatao, at Housing Community Development And Resettlement Department Head Atty. Jojo Conejero. (PAUL JOHN REYES)