• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Puwedeng ligawan pero mataas ang standards niya: JESS, 23 na pero hindi pa nakararanas na magma-boyfriend

BENTE tres anyos na ang female star na si Jess Martinez pero hindi pa siya nagkakaroon ng lovelife.

Aniya, “Crush, crush lang po. I wouldn’t say na, ano po, na-in love, parang more on infatuation.
“Kasi when I say in love, parang I’d be super courageous na ipakilala sa parents ko, pero never pa dumating sa point na may napakilala ako sa parents ko, so to answer the question, no, never pa ako na-in love. Nagka-crush, yes.”
So talagang hindi pa siya nagka-boyfriend.
“Hindi po.”
Umabot naman sa date?
“Umabot sa date, pero nasa gilid lang po yung bodyguard. Ha! Ha! Ha!”
Mahigpit ba ang parents ni Jess?
“I wouldn’t say mahigpit but they are protective of me and I appreciate them for that kasi hindi naman magiging ganito kaayos yung pagpalaki sa akin kung hindi sila naging protective.
“So hindi ako na parang nagre-resent or nagalit sa kanila because of that. I am grateful and I cherish how they… iyong pagpapalaki sa akin po.”
So puwede naman siyang ligawan?
“Puwede naman po akong ligawan. Mataas lang din po yung standards ko,” saad ni Jess.
Ang aktres na si Shyr Valdez ang discoverer ni Jess, at si Shyr ang nagrekomenda kay Rams David para maging manager ni Jess.
Si Rams ang pinuno ng Artist Circle, ang talent management na nangangalaga sa career nina Shyr, Sheryl Cruz, Wilma Doesnt, Celia Rodriguez, Mosang, Dang Cruz, mag-asawang Jan Marini at Gerard Pizzaras at marami pang iba.
May mga pangaral sina Rams at Shyr kay Jess.
“Si Tito Rams talaga actually and si Mommy Shyr, bago ako nag-start with Abot Kamay Na Pangarap, sinasabihan talaga ako to always stay grounded.
“Na, ‘Kahit na ano ang maabot mo sa showbiz, dapat grateful ka pa rin sa mga tumulong sa iyo in the industry and hindi mo talaga dapat talikuran yung mga tumulong sa iyo. Kasi you wouldn’t be where you are right now if not for them’.”
Gumanap si Jess bilang si Diwata sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap’, ang top-rating series ng GMA starring Jillian Ward.
Nasubukan na ba ni Jess na mag-audition at pumila sa mga ibang projects tulad ng ‘Pinoy Big Brother’, ‘StarStruck’ at iba pang programa?
“Never pa po akong pumila po. Hindi pa po.”
Meron na bang nag-alok kay Jess na maging beauty queen o pinangarap niya bang sumali sa mga beauty pageants?
“Never ko po naisipan kasi medyo maliit po ako.
“Actually wala ng height requirement po ngayon pero lets see. I’m not closing my doors, depende pa din po sa management kung anong plano ni Tito.”
Endorser din ng Skinlandia si Jess, na ang beauty and wellness clinic ay matatagpuan sa SM City Fairview.  Pag-aari ito nina Noreen at Juncytnth Divina ng Nailandia Nail Studio and Body Spa na ini-endorse naman ni Marian Rivera.
Soon ay magkakaroon ng sariling branch ng Skinlandia ang pamilya ni Jess sa McKinley Hill, Taguig City.
Malapit na rin siyang mapanood sa ‘Sanggang-Dikit FR’ na pinagbibidahan ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
 
(ROMMEL L. GONZALES)