Putin nagbigay kay Macron ng katiyakan na hindi iinit ang tensiyon sa Ukraine
- Published on February 10, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY na ng katiyakan si Russian President Vladmir Putin kay French President Emmanuel Macron na hindi na nila palalalain pa ang tensiyon sa border ng Ukraine.
Sinabi Macron na ito ang naging pagtitiyak sa kaniya ni Putin subalit hindi ito nagbigay ng garantiya.
Umabot aniya sa anim na oras ang ginawang pagpupulong nila ni Putin.
Matapos kasi ang pakikpulong nito sa Russia ay nagtungo na ito sa Ukraine.
Sinabi Ukraine President Volodymyr Zelensky na tila mayroon ng magandang patutunguhan ang nasabing negosasyon.