PUSLIT NA SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahon-kahong puslit na sigarilyo sa katubigang sakop ng barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu.
Ayon sa ulat ng PCG, nagsasagawa ng coastal security patrol ang PCG nang maharang ang motor na ML FAIDA sakay ang siyam nitong tripulante.
Dahil wala ang kanilang kapitan at wala silang safety certificate na iniisyu ng PCG sa kabila na may sakay itong 39 master cases ng puslit na sigarilyo kaya agad itong ininspeksyon ng coastal security patrol team na nakipag-ugnayan naman sa PCG Station sa Sulu bago dalhin sa Port of Julu ang nasabing bangka.
Sa Port of Julu, dumating din ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) para sa inventory at tamang disposisyon ng mga smuggled goods.
Patuloy ang pagsisikap ng PCG at BOC sa mga border upang mapighilan ang mga smuggling, customs fraud, human trafficking at iba pang illegal na aktibidad sa mga baybaying sakop ng Pilipinas. (GENE ADSUARA )