• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pulis na sinibak sa MPD, nasa 10 na

UMABOT na sa sampung pulis ang sinibak mula sa pitong naunang nakatalaga sa Manila Police District (MPD)-District Drug Enforcement Unit (DDEU) dahil sa reklamo ng extortion.

Ayon kay Manila Police District  (MPD) Spokesperson Major Philippines, kasalukuyang nasa holding account ang mga pulis habang gumugulong pa ang imbestigasyon.

Tiniyak ng MPD na seryoso nilang iniimbestigahan ang mga alegasyon at walang sasantuhin upang mapanatili ang integridad ng kanilang hanay.

Nabatid na ang reklamo ay nagmula sa isang delivery rider na si “Chester,” na nagsabing siya at ang kanyang kasama ay illegal na dinakip, kinapkapan, kinulong, at ninakawan ng P9,000. Kinumpiska rin ang kanilang motorsiklo. (Gene Adsuara)