PUGANTENG KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA
- Published on May 2, 2023
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Korean national na tinangkang lumabas ng bansa,
Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang naaresto na si Ko Daeyun, 31 sa NAIA 3 terminal noong April 25.
Sinabi ni Manahan na si Ko ay papasakay ng Cebu Pacific fight patungong Seoul nang arestuhin ng mga operatiba ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU) sa airpot.
Nabatid na ang Korean national ay nasa harapan na ng BI officer sa immigration departure counter nang napansin na ang pangalan nito ay nasa listahan ng BI’s watchlist ng mga wanted na dayuhan.
Sa ulat, siya ang nahaharap sa deportation case sa BI legal division kung saan kinasuhan siya ng undesirability dahil sa pagtatago sa hustisya.
Si Ko ay kinasuhan ng awtoridad ng Korea dahil sa pagiging miyembro ng telecommunications fraud syndicate na nambibiktima sa pamamagitan ng voice phishing, o paggamit ng tawang sa telepono upang makakuha ng impormasyon..
Nabatid na hinihikayat ni Ko ang mga biktima na ibigay sa kanya ang kanilang debit card kung saan na-withdraw nito ang kalahating milyon na won,o US$400,000 mula October hanggang December 2021 matapos nangako sa biktima na magkaka-interest ito. GENE ADSUARA