• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:41 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Publiko, maaari nang subaybayan ang flood control projects sa pamamagitan ng Project DIME ng DBM

MAAARI nang subaybayan ng publiko ang government-funded infrastructure sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa mga kuwestiyonableng kontrata.
Ito’y matapos na ilunsad ng Department of Budget and Management (DBM) ang isang online tracker para sa flood control projects, nagbibigay sa publiko ng direct access para i-monitor ang mga nasabing government-funded infrastructure.
Ang inisyatiba ang bumubuo ng bahagi ng Project DIME (Digital Information for Monitoring and Evaluation), isang platform na gumagamit ng satellites, drones, at geotagging para i-monitor ang progreso ng big-ticket projects, na opisyal na inilunsad, araw ng Miyerkules.
Pinahihintulutan nito ang mga mamamayan na mag- post ng feedback sa pamamagitan ng kanilang Google o social media accounts.
“Kabilin-bilinan po ng ating Pangulong Bongbong Marcos na kung ano po ang pinopondohan natin, let’s make sure po na makararating sa ating mga kababayan sa lalong madaling panahon,” ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isinagawang paglulunsad ng Tripa de Gallina Pumping Station sa Pasay City, araw ng Miyerkukles.
Ang pag-rollout ng flood control component ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.
Ang Project DIME ay unang ipinakilala noong 2018 subalit muling binuhay sa ilalim ng Executive Order 31, nilagdaan noong 2023, naglalayong i-institutionalize ang Philippine Open Government Partnership para i-promote ang ‘transparency at accountability.’
( Daris Jose)