• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Publiko binalaan sa shopping online holiday scam

PINAG-IINGAT ng grupong Digital Pinoys ang publiko sa naglipanang sindikato na nanloloko ng mga mamimili sa online.

Sa media briefing sa QC, sinabi ni Digital Pinoys National campaigner Ronald Gustilo na dahil karamihang mamamayan ngayon na nakatanggap na ng kanilang bonus ay ayaw mahirapan sa pagsa-shopping dahil sa matinding traffic at madaming tao sa mga malls ay sa online na lamang namimili pero ang hindi alam ng marami ay laganap ngayon ang kaso ng online shopping holiday scam.

“Makikita niyo naman sa website ang online shopping platform na legal, may button diyan na may complaint, may return, may refund. Yan legit mga yan. Buy only to the reputable shopping platform. Sa pagbili ng anumang paninda online ay e-Check niyo mabuti ang platform madami scam diyan. Madami ngayon ang pekeng online seller, pekeng website kaya mag iingat kayo sa ganyan,” sabi ni Gustilo.

Aniya, marami na silang natanggap na rek­lamo na hindi dumating ang biniling product online, nagbayad na ang bumili online pero ibang produkto ang dumarating sa client.
Bukod dito, sinabi rin ni Gustilo na marami ring mga commuters ang nag­­rereklamo sa hindi pagtanggap ng booking at pamimili ng biyahe ng ilang ride-hailing taxi maliban sa paulit-ulit na itinataas ang alok sa pamasahe o fare bidding.