Provincial poll supervisor ng Mindanao, itinalaga ni PDu30 bilang Commissioner ng Comelec
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang provincial poll supervisor ng Mindanao bilang commissioner ng Commission on Elections.
Ito ang nakasaad sa dokumento na ipinalabas, araw ng Huwebes, kulang-kulang dalawang taon bago bumoto ang mga Filipino mg mga bagong lider ng bansa.
Napili ni Pangulong Duterte si Atty. Aimee Ferolino-Ampoloquio bilang Comelec commissioner na may termino ng hanggang Pebrero 2027, base sa liham.
Si Ferolino-Ampoloquio ay unang nakasama sa Comelec bilang emergency worker taong 1994, at sa kalaunan ay nagsilbi bilang election assistant para sa 12 taon bago pa ito na-promote bilang election officer ng 10 taon at bilang isang supervisor, ayon kay Comelec chairman Sheriff Abas.
“Commissioner Aimee is an inspiration to all public servants. Her ascent to Comelec leadership is a testament of her great work and her dedication to deliver quality and unparalleled service,” ani Abas sa isang kalatas.
Sa ngayon ay naghahanda ang Comelec para sa 2022 elections, sa kabila ng coronavirus pandemic.
“Ferolino-Ampoloquio’s completes the Comelec en banc, which “is now better equipped to fulfill its mandate to further strengthen and advance our democracy,” ayon pa kay Abas. (Daris Jose)