Promising at palaban ang newest P-pop girl group: ELEVEN11, gustong maka-collab si SARAH at type nila ang SB19
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
VERY promising ang newest P-pop girl group na Eleven11 na mula sa House of Mentorque ni Bryan Diamante.“Actually, we’re not here to compete po. We’re here for P-Pop, we’re just here for our individualities,” sagot nila.
Sey pa ni Swaggy, “In this industry naman po, usually talagang may mga comparison po. Pero ang goal po namin ngayon, ang mas iniisip po namin is yung growth po ng bawat isa and ma-share po namin yung talent na kung ano po ‘yung meron kami.”
Panalo rin ang sagot nila kung sino ang gusto bilang maka-collab, na walang iba kundi si Sarah Geronimo na panalo naman talaga kumanta at mag-perform.
Inamin ni Swaggy na nakasama na niya si Sarah sa billboard at naging back-up dancer din. Kaya ang wish niya na maka-collab nila ang asawa ni Matteo Guidicelli.
Natanong din kung sinu-sino ang showbiz crush nila.
Binanggit nila ang pangalan nina SB19 Ken, Stell, Felip, Pablo at Justin.
Well, abangan na lang natin ang Eleven11 na talagang may ibubuga at siguradong magkakaroon sila ng puwesto sa music industry.
Best of luck Eleven11!
(ROHN ROMULO)