Presyo ng bigas sa merkado, tumaas ng hanggang P2/kilo kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo – DA
- Published on August 2, 2023
- by @peoplesbalita
TUMAAS ang presyo ng bigas sa merkado ng P1.50 hanggang P2 kada kilo kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo ayon sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA).
Sa pinakahuling datos, nag-iwan ng malawak na pinsala ang matinding pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa parte ng Luzon kung saan umaabot sa P2 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, noong Hulyo binagyo ang bansa kaya’t tumaas ang presyo. Base sa price monitoring ng ahensiya, tumaas ang presyo ng bigas lalo na sa mga imported rice.
Subalit ayon sa opisyal hindi lang ang bigas ang nagmahal kundi maging ang presyo din ng mga gulay. (Daris Jose)