• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:19 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pres-elect Marcos at pamilya naghahanda na para sa kanyang ‘assumption to office’

KINUMPIRMA ni President-elect Bong Bong Marcos na nasa transition process ang kanyang pamilya para maging First Family simula June 30,2022.

 

 

Sa isang video na pinost sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Marcos Jr., na ang kanyang asawa na si Liza at mga anak na sina Sandro, Simon at Vinny ay kasalukuyang nag-aadjust para sa kanilang bagong buhay bilang miyembro ng presidential family.

 

 

Sinabi ng incoming President na pansamantalang iniwan muna ni Liza ang kanyang posisyon sa kanilang law firm na M & Associates na kanyang binuo.

 

 

“Malungkot, dahil ito’y alam ko, nakita ko, pinaghirapan niya… talagang binuhos niya ang kanyang sipag dito, ang kanyang galing dito. From nothing, nagkaroon ng isang magandang law firm, ngunit wala tayong magagawa dahil siya ay magiging First Lady at kailangan niyang bitawan ang kanyang interes doon sa kaniyang law firm,” pahayag ni Pres-elect Marcos Jr.

 

 

Humingi ng paumanhin si Bong Bong sa kanyang asawa dahil kailangan nitong iwan ang kanyang law firm.

 

 

Ang panganay nilang anak na si Sandro ay naghahanda na rin sa kaniyang trabaho bilang Ilocos Norte representative.

 

 

“Iyong dalawa ko pang anak, dahan-dahang nasasanay dahil marami silang bigla na security. Panay nga reklamo. Pero wala tayong magagawa, ganoon talaga ‘pag ikaw ay naging anak ng presidente,” dagdag pa ni Marcos.

 

 

Pinasalamatan naman ni Marcos si Pang. Rodrigo Duterte sa kanyang mga nagawa sa bansa at saludo siya dito.

 

 

 

“Pinasalamatan ko siya dahil kahit papa’no, sinuportahan kami ni Inday Sara, pati ako. Tiniyak ko sa kanya na ‘yung mga proyekto niya na nakabuti sa ating bansa ay ipagpapatuloy ko,” dagdag pa ni Marcos. (Daris Jose)