• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:07 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Power supply sa Siquijor, sapat na – PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sapat na ngayon ang power supply sa Siquijor.

Ito'y kulang-kulang dalawang buwan matapos na mangako si Pangulong Marcos sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) na lutasin ang power shortage ng isla.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos, araw ng Biyernes ang ceremonial switch-on ng 17.8-megawatt Siquijor Power Plants sa Province of Siquijor Electric Cooperative (PROSIELCO) facility sa bayan ng Larena.

Sinabi nito na ang bagong kapasidad ay 'more than doubles' sa demand na nine megawatts ng isla.

"Dito sa ating pagbalik dito sa Siquijor ay maga-garantiya na natin na ang kuryente dito ay sobra-sobra na ang supply dahil kung ang demand ng Siquijor ay nine megawatts ay 17 na ang supply natin kaya't hindi na talaga magkukulang," ang sinabi ni Pangulong Marcos.

"Ngayon, malakas na ang loob ko na i-proclaim na buo na ang supply ng kuryente dito sa Siquijor," aniya pa rin.

Sa ulat, matagal ng inirereklamo ng mga residente at negosyante ang paulit-ulit na blackouts na tumatagal ng 10 oras.

Sa isinagawang malalimang imbestigasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nauwi sa pagbawi sa SIPCOR's Provisional Authority to Operate, nailagay ang lalawigan sa panganib ng 'power shortages at unreliable supply.'

"The government has since expedited the development of the new Siquijor Diesel Power Plants Project, which have a total installed capacity of 17.8 megawatts (MW), with a guaranteed dependable capacity of 12.25 MW and an N-1 reserve of 1.7 MW to provide sufficient backup power should one generating unit goes offline," ayon sa Malakanyang.

Tinatayang tatlong bagong diesel power plants ang itinayo at kinomisyon, matatapuan sa munisipalidad ng Larena, Siquijor at Lazi.

"Hopefully, we keep on improving at kakaunti na ang blackout dito at gumanda sana ang hanapbuhay sa Siquijor—Wala pong problema sa supply ngayong kasi ang Siquijor ay nine or 10 megawatts and peak demand," ang sinabi naman ni Energy Secretary Sharon Garin sa isang panayam.  
(Daris Jose)